Patuloy na bumababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Franciso Duque III, unti-unting bumababa ang kaso matapos maitala ang pinakamataas na kaso noong unang linggo ng Abril.
Target nilang maibaba ang lebel ng kaso katulad noong Enero o Pebrero na nasa 1,700 lamang ang average daily cases.
Karamihan sa mga kaso ay nagmula sa National Capital Region (NCR), CALABARZON, at Central Luzon.
Bumuti rin ang healthcare utilization, kung saan ang ICU capacity sa NCR ay tumaas sa 491 beds nitong May 2 kumpara sa 215 beds noong April 18.
Ang pending admissions sa emergency rooms ng mga DOH hospitals ay bumaba sa 21-percent mula April 18 hanggang May 2.
Maging ang utilization rate ng Temporary Treatment and Monitoring Facility ay bumababa.
Sinabi naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Chief Mark Villar na nasa 23,046 beds at 603 quarantine at isolation facilities ang kasalukuyang operational sa bansa.
Nasa 1,228 bed capacities ang ginagamit sa 49 off-site dormitories.
Aabot naman sa 239 beds sa 10 modular hospitals ang ginagamit.