Bilang ng COVID-19 patients sa bansa na gumaling sa virus, mahigit 310,000 na

42

Umaabot na sa 310,303 ang bilang ng mga naka-recover sa bansa sa COVID-19.

Panibagong 226 ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong araw na gumaling sa virus.


2,638 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ngayon ay 359,169.

Ang active cases naman ay 42,191.

26 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 6,675.

Samantala, 7,201 na ang bilang ng overseas Filipinos na gumaling sa COVID-19.




Ito ay matapos na 2 ang panibagong naka-recover habang 3 naman ang bagong kaso.

Ang total cases na ngayon sa hanay ng mga Pinoy mula sa 81 na mga bansa ay 11,152 at ang active cases ay 3,139.

Wala namang naitalang bagong Pinoy na binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

Facebook Comments