Bilang ng COVID-19 patients sa PGH, bumaba na

Bumaba na ang bilang ng COVID-19 patient sa Philippine General Hospital (PGH) sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario, bumaba na sa 237 ang umuukopa sa kanilang 325 na hospital bed mula sa dating 355.

Pero nabawasan man aniya ang bilang ng COVID-19 patient sa PGH, nananatili namang puno ang kanilang Intensive Care Unit (ICU).


“That’s roughly about 75% occupancy. But we still have a lot of patients who are severe and critically ill, which makes our ICU beds always full,” ani Del Rosario.

Sa kabila nito, umaasa si Del Rosario na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Facebook Comments