Bilang ng COVID-19 patients sa Quezon City, tumaas

Nilinaw ng St. Luke’s Hospital na tumaas ang bilang ng mga na-admit na may COVID-19 pero ipinaliwanag nilang nasa manageable level pa naman ang panggagamot sa ospital at tiniyak na mabibigyan ng maayos at may kalidad na pangangalaga ang mga pasyente.

Pinasinungalingan naman ng ospital na puno ng mga pasyenteng may COVID-19 ang kanilang Intensive Care Unit at Wards.

Paliwanag ng pamunuan ng ospital sa kanilang inilabas na anunsyo, hanggang March 6 ay hindi pa naabot ng COVID-19 ICU at Wards ang full capacity.


Maliban sa St. Luke’s Hospital, nakitaan din ng pagtaas ng COVID admission sa Lung Center of the Philippines ng hanggang 78 porsyento mula sa 30 hanggang 40 porsyento.

Paliwanag ng hospital na mula sa 28 pasyente, tumaas din sa 48 na indibidwal ang naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute.

Facebook Comments