Bilang ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, nadagdagan ng 40

Tumaas ng 9,764 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Makati City, matapos madagdagan ito ng 40 sa nakalipas na 24 oras.

Nadagdagan din 39 ang bilang ng mga gumaling na sa naturang sakit, dahilan para umakyat ito sa 9,018.

Tumaas din sa 366 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod, matapos masawi amg isang COVID-19 positive kagabi.


Nananatili naman sa 380 ang bilang ng active cases sa lungsod ng Makati, na patuloy naman nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.

Pakiusap naman ni Makati Mayor Abby Binay sa mga residente ng lungsod, na manatili sa loob ng bahay upang maging ligtas.

Facebook Comments