Umabot na sa 360, 000 ang bakunang naiturok sa mga eligible group ng Pangasinan sa nagpapatuloy na vaccination program.
Ayon kay Dra. Anna De Guzman, Provincial Health Officer, nasa 365, 419 na ang bilang ng COVID-19 Vaccine ang naibigay sa mga Pangasinense.
167, 165 dito ang nabigyan ng first dose ng bakuna at 82, 998 ang nabigyan ng second dose.
Nasa 115, 256 din na Pangasinense ang naturukan ng Jansen Vaccine na maikokonsiderang fully vaccinated. Katumbas ito ng 18. 5% ng total targeted population ng lalawigan na 1, 975, 000 population upang maabot ang herd immunity.
Sinabi din ni Dra. De Guzman na patuloy na tumataas ang bilang ng nababakunahan sa loob ng isang araw na umaabot sa 6, 000-8, 000 katao.
Samantala, nanawagan ito sa mga A2 o senior citizen at A3 na lumapit na sa mga vaccination sites dahil sa ngayon sila ang prayoridad na mabakunahan.