Pumalo na sa apatnapu’t tatlo ang bilang ng COVID- 19 Variants sa Ilocos Region.
Base sa datos ng ahensya, tatlong variants ng nakakahawang sakit ang nasa rehiyon ngayon na kinabibilangan ng UK Variant o B.117, South African Variant o B.1. 351 at P.3 Variant.
Dalawampu’t dalawa ang UK Variant, dalawampu ang South African Variant at isang kaso ng P.3 variant.
Labing siyam dito ang mula sa Pangasinan, lima sa La Union , pito sa Ilocos Sur at labing dalawa sa Ilocos Norte.
Base sa pag-aaral ng otoridad ang mga bagong variant ay mas madaling makahawa at mabilis kumalat.
Samantala, tuloy-tuloy ang ginagawang aksyon ng DOH-CHD1 upang mas mapababa ang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit maging ang pagpapataas ng bilang ng mga nababakunahan.
Facebook Comments