Bilang ng COVID test na ginawa ng DOH, umaabot na sa halos 85k

Kinumpirma ng Dept of Health (DOH) na umaabot na sa DOH 84,738 COVID-19 tests ang kanilang naisagawa.

Sa naturang bilang aniya, 74,743 ang negatibo habang 9,858 ang positibo sa virus.

Kinumpirma rin ni Health Undersecreatary Maria Rosario Vergeire.


Nasa 19 testing facilities sa buong bansa ang gumagawa ng 6,320 tests kada araw.

Kinumpirma rin ng DOH na umaabot na sa 1,336 health workers ang infected ng COVID-19.

507 aniya rito ay nurses habang 493 ay doctors.

Nagbukas naman ang DOH ng 989 slots para sa pag-hire ng medical workers sa lalong madaling panahon.

Samantala, muli namang nagpa-alala ang DOH sa publiko na iwasan ang mga hindi planadong pagbubuntis at dapat aniyang i-practice ang family planning methods sa gitna ng COVID-19 quarantine.

Facebook Comments