Bilang ng daily departures, posibleng tumaas pagtapos ng Bagong Taon –BI

Posibleng tumaas ng lagpas 40,000 kada araw ang daily departures ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado na kanilang inaasahan ang pagtaas ng mga daily departures dahil sa mga Overseas Filipino Worker at iba pang mga pinoy na umuwi ng bansa nitong nakaraang araw ay magsisiuwian na rin sa kanilang mga trabaho at tirahan sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Commissioner Viado na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay nakapagtala na ng mahigit 40,000 kada araw ngayong December kung saan 51,000 pinakamataas na arrival peak nito sa isang araw lamang.

Inihayag naman ni Commissioner Viado na naging magaan ang kanilang operasyon at magpapatuloy ito hanggang Bagong Taon.

Facebook Comments