Bilang ng distressed OFWs sa Saudi Arabia, dumarami

Kinumpirma ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, Saudi Arabia na patuloy ang pagtaas ng bilang ng displaced Pinoy workers sa Saudi Arabia.

Karamihan anila sa mga ito ay nawalan ng trabaho matapos magsara ang kompanya at ang ilan naman ay hindi na pinasasahod ng employer.

Ang iba naman dito ay undocumented o di kaya ay runaway o tumakas sa kanilang amo.


Tiniyak naman ng POLO-Riyadh na agad na makakauwi ang distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) oras na makakuha na sila ng exit visa.

Facebook Comments