BOLINAO, PANGASINAN – Tuloy tuloy ang pamunuan ng Bolinao Tourism personnel sa pagbibigay ng tulong sa mga turista o bisita sa kanilang pagpaparehistro, pagbabayad ng user’s fee at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng mga pangunahing atraksyong panturista sa munisipyo sa lugar.
Ang bayan umano ng Bolinao ay nakakapagtala na ng halos kasing dami ng mga turistang nagpupunta sa bayan, ito ay sa pamamagitan naman ng pagsisikap ng Local Government Unit (LGU), mga national agencies at mga tourism stakeholders na nakatutok sa mahigpit na pagpapatupad standard health and safety protocols, solid waste management, balancing destination and marketing management.
Ang tourism industry pa ay patuloy na gumagawa ng paraan upang makasabay sa gitna ng pandemya dahil sa nakitaan na ng pagtaas ng domestic tourists na naglalakbay sa gitna ng pandemyang COVID-19.
Maaari namang mag-settle ng bayad sa Registration at Environmental Fee sa itinalagang Tourism Outpost na nakatalaga sa bayan. | ifmnews
Facebook Comments