BILANG NG DSWD WAREHOUSE AT PREPOSITION AREAS SA REGION 1, NADAGDAGAN PA

Nadagdagan ang bilang ng warehouse at preposition areas bilang pagpapabilis sa distribusyon ng food and non-food items mula sa Department of Social Welfare and Development Region 1.

Ngayong Marso, napabilang sa mga lokal na pamahalaan na lumagda sa Relief Preposition Agreement ng tanggapan ang bayan ng Aguilar, Pangasinan at Badoc, Ilocos Norte.

Sa kabuuan, tatlo ang DSWD Warehouse sa rehiyon na matatagpuan sa San Fernando City at Bauang sa La Union habang isa naman sa Laoag City, Ilocos Norte.

Sa Pangasinan, kinabibilangan ng mga lokal na pamahalaan ng Anda, Infanta, Rosales, Alaminos City, Sta. Barbara at Aguilar ang preposition areas upang mapabilis ang pagbibigay ng relief packs sa mga apektadong komunidad.
Tiniyak ng tanggapan na patuloy na gagampanan ang distribusyon ng tulong sa mga komunidad na apektado ng anumang emergency sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments