Bumagsak umano ng halos kalahati ang bilang ng mga sasakyang dumaraan sa bayan ng Calasiao ngayong Biyernes, Abril 10, ayon sa Public Order and Safety Office (POSO) Calasiao.
Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ng mga traffic personnel na kapansin-pansin ang malaking pagbaba ng mga bumibiyahe, partikular na sa sektor ng pampublikong transportasyon tulad ng jeep at bus.
Ipinunto ng POSO na maraming tsuper ang pansamantalang tumigil sa pagpasada bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Dahil dito, nangangamba ang mga awtoridad na posibleng magkulang ang mga pampasaherong sasakyan para sa mga commuters.
Samantala, inanunsyo ng pangulo nitong Huwebes, inaasahang magbibigay ang pambansang pamahalaan ng P10 kada litro na fuel subsidy sa mga PUVs ngayong buwan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










