Bilang ng enrollee sa bansa, higit 12 million na

Pumalo na sa 12,697,558 na ang mga mag-aaral sa bansa ang nagpa-enroll na para sa School Year 2021-2022.

Ito ay katumbas ng 48.4% kumpara sa total enrollment noong nakaraang taon.

Batay sa inisyal na tala ng Department of Education (DepEd), ang nasabing bilang ay pinagsama-samang bilang ng enrollees ng public at private schools sa bansa.


Sa mga paaralan ng Deped, nasa mahigit 7.6 milyong mag-aaral ang nakapagpa-enroll na noong Agosto 31.

Habang ang private schools ay mayroon nang mahigit 430,000 na enrollees.

Mayroon ding mahigit 89,000 na bilang ng indibidwal ang nagpa-enroll para sa Alternative Learning System (ALS).

Matatandaang nagsimula ang enrollment ng DepEd para sa susunod na pasukan noong Agosto 16 at matatapos sa Septyembre 13, 2021.

Facebook Comments