Nakapagtala na ng 14,441,500 na mga enrollees ang Department of Education (DepEd) sa buong bansa.
Batay sa kanilang tala, mula sa nasabing bilang, 13,871,410 ay ang bilang ng enrollees mula sa pampublikong paaralan.
Habang ang 558,705 naman ay mga estudyanteng nagpa-enroll sa private schools ng bansa.
Ang mga enrollees ay kinabibilangan ng Kindergarten, Elementary, Junior High School, Senior High School, Learner with Disability at Alternative Leaning System.
Ang nasabing bilang ng mga enrollees ay mula noong June 1, 2020 hanggang ngayong araw.
Ang month-long enrollment ng DepEd ay magpapatuloy hanggang sa katapusan nitong buwan.
Pinaghalong online at drop box enrollment system ang ginawa ng DepEd ngayon taon upang makapag-enroll ang isang mag-aaral na walang cellphone, computer at internet connection.
Sa August 24, 2020 naman na ang pagbubukas ng klase sa bansa para sa School Year 2020-2021 na aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte, matapos itong irekomenda sa kanya ng Inter-Agency Task Force (IATF).