BILANG NG FACEMASK VIOLATORS SA SYUDAD, MATAAS

Baguio, Philippines – Sa operasyong isinagawa ng Public Order and Safety Division (POSD) of the Office of the Mayor, noong Hunyo 1, nasa 91 na indibidwal ang nahuling hindi nagsusuot ng facemask o faceshield sa mga pampublikong lugar o kaya habang nakikipag-transaksyon.

Sa 91 na nahuling indibidwal na hindi nagsusuot ng facemask, 63 dito ay mga vendors at empleyadong hindi naka facemask at face shield.

Ayon sa Ordinance No. 45-2020, o ang “Face Mask Ordinance of 2020”, ang mga mahuhuling hindi nagsusuot ng facemask ay pagmumultahin sa first offense ng P1, 000.00 at kapag uulitin ay magbabayad ng P2, 000.00. Kapag naulit muli ang hindi pagsusuot ng facemask o faceshield ay pagbabayarin ito ng P3, 000.00 at kakanselahin ang business permit nito.


Facebook Comments