73 pa ang bilang ng family feuds o “rido” sa Maguindanao samantalang 98 naman sa Lanao del Sur ang nasa talaan ng ARMM-Regional Reconciliation and Unification Commission.
Ayon kay ARMM-RRUC Chairman Romi Sema, sa 73 na rido cases sa Maguindanao ay marami rito ang maituturing na “dormant” o hindi na aktibo, nagkikita-kita rin naman kasi ang mga ito at nagkakabatian ngunit hindi lamang pormal na nagkaroon ng rekonsilasyon.
Ganito rin ang sa lalawigan ng Lanao del Sur, sa bilang na 98 na kaso ng “rido” ay “dormant” din ang marami dito.
Sa ngayon ay patuloy ang mga pagsisikap ng ARMM-RRUC upang maayos at magkaroon ng reconciliation ang nga pamilyang nagkakagirian sa rehiyon sa tulong ng kanilang counterparts.
May mga nauna nang kaso ng rido ang naayos at naresolba na ng komisyon sa iba’t-ibang panig ng ARMM.
Bilang ng family feuds sa Maguindanao, 73 pa!
Facebook Comments