Kinumpirma ng Filipino community sa Hong Kong na nabawasan ng halos 3,000 ang bilang ng Filipino domestic workers sa Hong Kong.
Ito ay base na rin anila sa record ng Immigration Department ng Hong Kong.
Ang pagbaba ng bilang ng Pinoy household service workers sa nasabing lugar ay bunga ng travel ban na pinatupad ng Hong Kong sa mga pasaherong mula sa Pilipinas, dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa ngayon, halos 200,000 ang Filipino household service workers sa Hong Kong.
Mas malaki ito kumpara sa 148,000 na Indonesian domestic workers sa nasabing lugar.
Facebook Comments