Bilang ng Filipino workers na pinadadala abroad, bumaba ng 60% – DOLE

Napansin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 60-porsyento ng pagbaba ng bilang ng mga Filipino workers na ipinapadala abroad ngayong taon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nasa 682,000 OFWs lamang ang nai-deploy mula Enero hanggang Setyembre kumpara sa 1.72 million na nai-deploy sa kaparehas na panahon noong 2019.

“There was really a huge decrease in the number of [deployments] from what we used to deploy,” ani Bello.


Mula sa higit 600,000 Filipino workers na nai-deploy, nasa 440,000 ang land-based habang 241,000 ang sea-based.

Sinabi rin ni Bello na nasa 505,837 OFWs ang apektado ng COVID-19 pandemic, kung saan 496,435 ang na-displaced.

Nasa 260,575 displaced OFWs na ang na-repatriate habang nasa 104,000 ang ayaw umuwi ng Pilipinas.

Ang DOLE ay mayroong one-time cash aid sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) para sa mga OFWs na apektado ng pandemya.

Facebook Comments