Nais ng Philippine National Police (PNP) na mapababa pa ang bilang ng firecracker related injuries ngayong taon.
Batay sa datos mula sa Firearms and Explosives Office ng PNP, lumalabas na sa nakalipas na 4 na taon ay patuloy na nababawasan ang mga biktma ng paputok pagsapit ng holiday season.
Mula kasi sa 929 firecracker related incidents noong 2016, bumaba ito sa 652 noong 2017, bumaba sa 449 noong 2018, at ngayong 2019 ay bumaba pa sa 307.
Samantala, sinabi naman ni PNP OIC Police Lieutenant General Archie Francisco Gamboa na ang tagumpay sa ‘Oplan Iwas Paputok’ ay dahil sa mas mataas na public awareness resta ng mas maigting na information and dissemination campaign ng gobyerno at paalala na rin ng media.
Facebook Comments