Manila, Philippines – Mababa ang bilang ng mga biktima ng paputok nitong salubong sa Bagong Taon.
Sa tala ng Department of Health (DOH) mula December 21, 2018 hanggang January 5, 2019 ay pumalo lamang sa 340 ang nabiktima ng paputok.
Mula sa nasabing bilang ng mga nasugatan, 338 kaso rito ay biktima ng paputok habang dalawa ay nakalunok ng paputok.
34% na mas mababa kumpara noong nakaraang taon.
Wala ring naitala ang DOH na nabiktima ng ligaw na bala.
Karamihan sa mga biktima ay naitala sa National Capital Region (36%), kasunod ang Ilocos Region (15%), Western Visayas (15%), Central Visayas (8%), Calabarzon (7%) at Central Luzon (6%).
Ang pinakasanhi ng pagkakasugat ay ang paggamit ng kwitis (22%), luces (12%), piccolo (6%), boga (6%) at triangle (5%).