Umakyat na sa 24 ang bilang ng fireworks-related injuries na naitala ng Department of Health (DOH) simula December 21, kasabay ng nalalapit na pagpasok ng 2019.
Base sa pinakahuling datos mula sa DOH, 3 ang nadagdag mula sa Region VI, 1 mula sa Region IV-A, V, VII, IX at 4 pa mula sa NCR.
Sa 24 na kaso na ito, 2 dito ay fireworks ingestion. 15 dito ang nasabugan, 3 sa mga ito ay blast with amputation habang 6 ang nagtamo ng eye injury.
Nangunguna pa rin sa sanhi ng mga aksindenteng ito ang mga ipinagbabawal na paputok tulad ng boga, kwitis, piccolo at triangle.
Ang 24 na pasyenteng ito ay nasa edad 2 hanggang 49 taong gulang, karamihan ay lalaki.
Ayon sa Heath Secretary Francisco Duque III, ang mga kaso na ito, mas mababa pa rin ng 54% kumpara sa bilang ng kaso ng fireworks-related injury na naitala noong 2017 sa kaparehong panahon.