Bilang ng fireworks-related injuries sa bansa, tumaas pa sa 49% – DOH

Sumampa na sa 277 ang bilang ng naitalang fireworks-related injury sa bansa.

Ito’y matapos madagdagan ng 15 ang kaso ng tinamaan ng paputok na naitala mula January 3 hanggang Jan. 4, 2023.

Ayon sa DOH, mas mataas na ito ng 49% kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon, na nasa 186 lamang.


Pinakamarami sa mga naitala ay mula sa National Capital Region (NCR), na may 131 na kaso; sinundan naman ito ng Region 6, na may 33; at Region 1 na may 25 cases.

Kwitis pa rin ang nangungunang sanhi ng pagtaas ng bilang ng fireworks related injuries, habang sinundan naman ito ng boga, 5 star, at fountain.

Paalala naman ng Department of Health (DOH) sa publiko na huwag pulutin gamit ang kamay ang mga natirang paputok sa kalsada.

Facebook Comments