Bilang ng fireworks-related injuries sa bansa, umabot na sa higit 300 – DOH

Sumampa na sa 307 ang bilang ng naitalang fireworks-related injury sa bansa.

Ito’y matapos madagdagan ng 16 ang kaso ng tinamaan ng paputok na naitala mula January 5 hanggang 6, 2023.

Ayon sa Department of Health (DOH), mas mataas na ito ng 62% kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon sa kaparehong panahon na nasa 189 lamang.


Pinakamarami sa mga naitala ay mula sa National Capital Region (NCR) na may 139 na kaso; sinundan naman ito ng Region 6 na may 37 at Region 1 na may 33 cases.

Kwitis pa rin ang nangungunang sanhi ng pagtaas ng bilang ng fireworks-related injuries habang sinundan naman ito ng boga, 5 star at fountain.

Facebook Comments