Bilang ng fireworks-related injury sa Quezon City, nadagdagan pa ng tatlo ilang araw bago ang Bagong Taon

Umabot na sa lima ang naitalang kaso ng fireworks-related injury sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QC-ESD), tatlo ang nadagdag na kaso kahapon, December 26, matapos mapinsala dahil sa paputok.

Ang mga bagong naitalang kaso ay mula sa Barangay Holy Spirit, Kaligayahan, at San Bartolome.

Samantala, ang naunang dalawang kaso ay kinasasangkutan ng mga bata mula sa Barangay Baesa bago mag-Pasko.

Nagpaalala ang QC-ESD sa publiko na iwasan ang paggamit ng anumang uri ng paputok upang matiyak ang ligtas at masayang pagsalubong sa Bagong Taon.

Kung ikukumpara noong 2024, 62 porsiyento pa ring mas mababa ang bilang ng mga naitalang kaso sa parehong panahon sa naturang lungsod hanggang kahapon.

Facebook Comments