Bilang ng Foreign Tourists sa Pilipinas sa first half ng 2019, umabot sa higit 4.1 Million

Umabot na sa higit 4.1 Million International Tourists ang bumisita sa Pilipinas sa unang kalahati ng taong 2019.

Sa datos ng Department of Tourism (DOT), nasa 4,133,050 Foreign Tourists ang bumisita sa Pilipinas mula Enero hanggang Hunyo 2019.

Ito ay 11.43% na mataas kumpara noong nakaraang taon.


Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, resulta rin ito ng mga itinayong bago, na-rehabilitate, o na-expand na mga paliparan.

Nitong Hunyo lamang nakapagtala na ng 643,780 arrivals, 21.41% na mataas sa 530,267 arrivals noong June 2018.

Nangunguna pa ring bumibisita sa bansa ay mga South Koreans, kasunod ang mga Chinese, Americans, Japanese, at Taiwan.

Ikinalugod din ng DOT ang desisyon ng US Homeland Security na alisin ang Public Notice sa Ninoy Aquino Interantional Airport.

Facebook Comments