Umabot na sa 215,997 healthcare workers sa bansa ang nabakunahan kontra COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH), pinakamarami sa mga nabakunahan ay nasa Metro Manila.
Sinundan ito ng Region 7, Region 4A at Region 3.
Ayon sa DOH, lahat ng rehiyon sa bansa ay napadalhan na ng supply ng bakuna.
Pero hindi pa rin ito sapat dahil sa ngayon ay nasa 38% pa lamang ng healthcare workers sa bansa ang nabibigyan ng unang dose ng bakuna.
Sa kabuuan, nasa 1,125,600 doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.
Sa bilang na ito, 96% na ang nai-deploy ng DOH sa 929 vaccination sites sa buong bansa.
Sa ngayon, mga bakuna ng Sinovac at AstraZeneca pa lamang ang dumadating sa bansa.
Facebook Comments