Bilang ng fully COVID vaccinated sa bansa, tataas ngayong buwan

Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na ngayong Hunyo ay tataas pa ang bilang ng fully COVID-19 vaccinated sa bansa.

Partikular ang mga nakatanggap na ng una at pangalawang dose ng bakuna.

Sa datos ng DOH, hanggang nitong Mayo 30 ay may mahigit 1.2 milyong indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated na.


Pero kung ikukumpara ito sa halos 4 na milyon na nakatanggap ng unang dose ng bakuna ay malayo pa ang bilang na 1.2 milyong fully vaccinated.

Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na bawat brand ng bakuna ay magkakaiba ang interval ng pagtuturok.

Ang Sinovac aniya ay may 28 days interval lamang habang ang ay AstraZeneca, may 12 linggong interval.

Ang Sinovac ang unang brand ng bakuna na ginamit sa vaccination program ng gobyerno, sumunod naman ang AstraZeneca.

Idinagdag ni Vergeire na mahalagang sundin ang interval sa pagturok ng bakuna para maabot ang full potential nito.

Facebook Comments