Bilang ng fully vaccinated individuals sa bansa, umabot na sa halos 15 million

Humigit na sa 15 million ang bilang ng mga indibidwal sa bansa na nakakumpleto ng bakuna.

Sa datos na ibinahagi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa DZXL RMN Manila, aabot na sa 14, 650, 065 ang fully vaccinated o katumbas ng 19% ng target population ng gobyerno.

Samantala, umakyat naman sa 20, 450, 849 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nakatanggap na ng first dose.


Umaasa pa rin si Galvez na mabakunahan ang 70% ng populasyon ng bansa bago sumapit ang Pasko.

Facebook Comments