Bilang ng fully vaccinated sa QC, umakyat na sa higit 2.3 milyon

Pumalo na sa 2.3 milyon ang bilang ng mga fully vaccinated na mga indibidwal sa Quezon City, kabilang dito ang mga adult at minor sa lungsod.

Higit 2.2 milyong mga adult resident at manggagawa ng lungsod naman ang nabakunahan na ng isang dose.

Kabilang na rito ang mga nakatanggap ng single-dose na Janssen vaccine.


Sa kabuuan, higit 5.4 milyong doses na ng COVID-19 vaccine ang naiturok na ng QC-Local Government Unit (LGU) sa ilalim ng QCProtekTODO Vaccination Program.

Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang pagbabakuna ng lungsod sa mga menor de edad, kung saan umabot na sa higit 200,00 na mga bata na ang nabakunahan kontra COVID-19.

Facebook Comments