Kinatuwa ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) ang pinakabagong datos ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Batay kasi sa kanilang tala, mas maarami ang bilang ng mga gumaling sa naturang sakit kumpara sa bilang ng mga tinamaan nito sa nakalipas na 24 oras.
Sa datos ng CEDSU na nakuha kagabi mula sa Department of Health (DOH), nasa 31 ang bilang ng bagong recoveries habang 13 lang ang bagong mga nagpositibo sa COVID-19.
Pero sa kabuuang bilang, ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 na lungsod ay umabot na sa 10,995 ngayong umaga.
Mula sa nasabing bilang, 10,766 nito ay kabuuang bilang ng recoveries, 178 ang nasawi at habang 51 naman ang active case sa lungsod.
Facebook Comments