Bilang ng Gumaling sa COVID-19 sa Isabela, Mas Mataas sa Bagong Kaso

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng mas mataas na bilang ng gumaling sa COVID-19 ang probinsya ng Isabela kaysa sa bagong positibong kaso.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00am ngayong araw, Pebrero 22, 2021, dalawampu’t anim (26) ang naitalang gumaling sa COVID-19 habang dalawampu (20) ang bagong kaso.

Dahil dito, umakyat sa 4,585 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa nasabing sakit sa probinsya habang pumalo naman sa 5,075 ang total confirmed cases.


Mula sa total confirmed cases, 392 rito ang aktibong kaso at 99 ang nasawi.

Sa bilang naman na 20 bagong kaso, ang lima (5) ay naitala sa bayan ng San Agustin at Santiago City; dalawa (2) sa bayan ng San Manuel at tig-isa (1) sa bayan ng Alicia, Aurora, Cabagan, Cabatuan, San Pablo at Cauayan City.

Pinakamarami pa rin ang ‘local transmission’ na may 342; dalawampu’t apat (24) na Health workers; labing pito (17) na pulis at siyam (9) na Locally Stranded Individuals (LSIs).

Facebook Comments