Bilang ng gumaling sa COVID-19 sa Las Piñas City, patuloy na tumataas!

Sa loob lang ng dalawang araw, nakapagtala ang Las Piñas City ng tatlong pasyente na gumaling sa Coronavirus disease o COVID-19.

Pinakahuling nakarekober ang isang kwarentay syete anyos na doctor mula sa Barangay Almanza Uno.

Dahil dito, umakyat sa limamput pito (57) ang kabuuang bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 sa lungsod kung saan nasa 211 katao ang naitalang kumpirmadong kaso, tatlo ang probable, limamput walo (58) ang suspected at dalawamput tatlo (23) ang nasawi.


Ang Las Piñas din ang isa sa mga lungsod na nakapagtala ng pinakamabilis na bilang ng pagbaba ng kaso COVID -19 sa Metro Manila.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO), naitala ang 7.16% na Deceleration Rate pagdating sa bilang ng bagong kaso ng COVID -19 sa syudad kung saan itinuturing ito ng lokal na pamahalaan na isang magandang senyales.

Dahil dito, patuloy na gagawin ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang mas maigting na contact tracing at swab testing sa mga bahay-bahay para matukoy ang mga residente na may COVID-19.

Facebook Comments