Bilang ng gumaling sa COVID-19 sa QC, nadagdagan pa!

Tumaas pa ang bilang ng mga COVID-19 patient na nakakarekober sa sakit sa ilang pagamutan sa Quezon City.

Sa pinakahuling datos ng QC Health Department, nadagdagan pa ng anim ang pasyente na  huling nakarekober sa sakit.

Nasa 264 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na pasyente.


Nadagdagan naman ng tatlo ang binawian ng buhay.

Sa kabuuan, 132 na ang bilang ng mga namatay mula alas-7:00 ng gabi ng Mayo a-4.

Naitala naman na sa 1,339 ang may confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod base sa tala ng Department of Health (DOH).

Ngayong araw naman, magpapatuloy ang operasyon ng community testing center sa Old Balara covered court.

Facebook Comments