Sumampa na sa 13,018 ang bilang ng health care workers ang nagkasakit ng COVID-19.
Ito ay matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 297 na bagong kaso.
Mula pa sa nasabing datos, aabot sa 12,693 health workers ang gumaling na habang nananatili sa 76 ang nasawi.
Mayroon ding 249 medical workers ang sumasailalim sa treatment o quarantine.
Ang nurses ang may pinakamaraming COVID-19 cases na nasa 4,596, kasunod ang doctors (2,169), nursing assistants (977), medical technologists (645), at midwives (427).
Higit 500 non-medical personnel ang kasama sa talaan gaya ng utility workers, security guards at administrative staff.
Facebook Comments