Bilang ng health workers na mabibigyan ng SRA, madaragdagan pa – DOH

Madaragdagan pa ang bilang ng health workers na makatatanggap ng Special Risk Allowance (SRA).

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, dahil ito sa patuloy na pangangalap ng kagawaran ng mga dagdag na pangalan ng health care workers na qualified na makatanggap ng tulong-pinansiyal.

Bukod pa ito sa naunang mahigit 20,000 na pangalan na naisumite na nila sa Department of Budget and Management (DBM) para sa mahigit P311 milyon na pondo para sa SRA.


Tiniyak naman ni Duque na on time pa rin sila sa itinakdang 10-day deadline ng Pangulo, o hanggang Setyembre 1 para maibigay ang mga nakabinbing benepisyo ng health care workers.

Inasahang maibibigay ito sa mga medical frontliners sa mga susunod na araw.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang bantang mass resignation ng ilang health workers kung hindi pa rin maibibigay ang mga benepisyong ito sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments