Bilang ng health workers na tinamaan ng COVID-19, nadagdagan pa

Umabot na sa 2,125 ang bilang ng health workers ang tinamaan ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH), 669 na rito ang gumaling habang 1,421 ang maituturing na active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.

Nasa 1,021 ang mild cases, 394 ang asymptomatic, lima ang severe, habang isa ay critical.


Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nananatili sa 35 ang bilang ng health workers na namatay.

Ang limang propesyon na may mataas na bilang ng coronavirus cases ay nurses (779 cases), doctors (642 cases), nursing assitants (132 cases), medical technologists (73), at radiologic technologist (40).

Higit 200 iba pang non-medical workers asng kasama rin sa talaan.

Sa huling tala ng DOH, nasa 11,618 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 2,251 ang gumaling, habang 772 ang namatay.

Facebook Comments