Umabot na sa 12,733 healthcare workers ang na-hire para suportahan ang healthcare system mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 14,789 health professionals ang ni-redeploy sa iba’t ibang lugar sa bansa para palakasin ang local at regional healthcare capacity.
Inilulat din ni Duque na nasa 199 COVID-19 testing laboratories ang kasalukuyang nag-o-operate.
Mula sa 1,282 test noong Marso, ang average test kada araw na nagagawa sa bansa ay umaabot na sa 32,150.
Nasa anim na porsyento ng populasyon o 6,314,493 unique individuals ang na-test para sa COVID-19.
Sinabi naman ni Heath Undersecretary Leopoldo Vega na tumaas ang bed allocation para sa COVID-19 cases sa mga public hospitals mula sa 12% noong Hulyo patungong 33%.
Sa pribadong ospital, ang bed allocation sa mga pribadong ospital ay tumaas mula 8% noong Hulyo patungong 18%.
Nakapagtatag din ang pamahalaan ng referral system sa mga ospital na tinatawag na One Hospital Command na nakapagsilbi sa libu-libong pasyente.