Umabot na sa 4,443 ang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19.
Ito ay matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 505 bagong kaso.
Sa datos ng DOH, aabot na sa 3,456 health frontliners ang gumaling sa sakit, habang 36 na ang namatay.
Nasa 951 medical workers ang sumasailalim sa treatment o quarantine.
Ang limang medical professions na may mataas na kaso ng COVID-19 ay mga nurse (1,585 cases), doctors (1,023 cases), nursing assistants (297), medical technologists (197), at radiologic technologist (109).
Higit 300 non-medical staff ang kabilang sa tally.
Sa ngayon, aabot na sa 80,448 ang COVID-19 cases sa bansa, 26,110 ang gumaling at 1,932 ang namatay.
Facebook Comments