Bilang ng healthcare workers na nagkasakit ng COVID-19, sasampa na sa 7,000 – DOH

Umakyat na sa 6,932 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19 matapos makapagtala ng 433 bagong kaso.

Sa daily COVID-19 report ng Department of Health (DOH), aabot sa 6,148 ang gumaling sa sakit habang nasa 40 ang namatay.

Nasa 744 ang active cases na sumasailalim sa treatment o quarantine.


Ang limang medical professions na may mataas na COVID-19 cases ay mga nurse (2,401 infections), doctors (1,433), nursing assistants (484), medical technologists (304) at radiologic technologist (138).

Higit 500 iba pang non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards at administrative staff ay kasama rin sa tally.

Facebook Comments