Umabot na sa 6,499 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19.
Ito ang naitala ng Department of Health mula noong August 15, 2020 matapos madagdagan ng 493 na bagong kaso.
Ang total recoveries sa mga health workers ay umakyat sa 5,759 matapos gumaling ang nasa 693.
Nananatili naman sa 39 ang namatay.
Aabot naman sa 701 medical workers na active cases ang sumasailalim sa treatment o quarantine.
Narekord ang mataas na bilang ng COVID-19 cases sa limang medical professions, na kinabibilangan ng mga nurse (2,269 infections), doctors (1,368), nursing assistants (454), medical technologists (282), at midwives (140 cases).
Higit 500 iba pang non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards, at administrative staff ang kasama sa tally.
Facebook Comments