Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga healthcare worker na nabakunahan na kontra COVID-19, patuloy pa rin tumataas ang mga kaso ng virus infection sa kanilang hanay.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health, umakyat na sa 16,991 ang bilang ng health workers na tinamaan ng COVID-19.
Sa bilang na ito, 978 ang aktibong kaso.
Ang 680 sa kanila ay mild, 263 ay asymptomatic, 16 ang severe, 8 ang kritikal, at 8 ang nasa moderate condition.
Nadagdagan naman ang bilang ng mga nasawi sa kanilang hanay na ngayon ay umabot na sa 87.
Pinakamarami sa bilang ng mga nasawi ay mga doktor na sinundan ng mga nurse.
Sa kabila nito, mataas pa rin naman ang recovery rate sa hanay ng mga health worker, kung saan umabot na sa 15,926 sa kanila ang gumaling mula sa COVID-19.