Bilang ng healthcare workers na namatay sa COVID-19, nasa 103 na

Kinumpirma ng Filipino Nurses United (FNU) na umaabot na sa 103 ang bilang ng mga healthcare worker na nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa grupo, umabot sa 23,328 ang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng virus.

Anila, nasa panganib din ang mga medical frontliners na nasa non-COVID ward dahil may mga pasyente na kalaunan ay nagpopositibo sa COVID-19.


Sinabi rin ng grupo na tila hindi binibigyang halaga ng Department of Health (DOH) ang buhay ng mga healthcare worker.

Ito ay dahil sa pili lamang ang binibigyan ng Special Risk Allowance (SRA) at sa ngayon ay nakabitin ang iba pang mga benepisyo para sa kanilang hanay.

Facebook Comments