Bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19, mahigit 15,000 na

Pumalo na sa 15,065 ang kabuuang bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), 14,739 sa kanila ang nakarekober na mula sa sakit.

Sa ngayon ay nasa 244 na lamang ang bilang ng aktibong kaso sa hanay ng healthcare workers.


Sa bilang na ito, 167 ang mild cases, 54 ang asymptomatic, 10 ang nasa severe condition, 8 ang nasa critical condition, habang 5 ang nasa moderate condition.

Mayorya sa mga tinamaan ng COVID-19 ay mga nurse na sinundan naman ng mga doktor.

82 healthcare workers naman ang binawian ng buhay sa virus.

Facebook Comments