Bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 2,787 – DOH

Umabot na sa 2,787 healthcare workers ang dinapuan ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 1,624 healthcare workers ang gumaling sa sakit habang nananatili sa 32 ang namatay.

Nasa 1,131 medical workers ang sumasailalim sa treatment o quarantine kung saan 986 ang mild cases, 144 ang asymptomatic, at isa ang nasa severe condition.


Ang bilang ng healthcare workers ay katumbas ng 12% ng kabuuang kaso sa buong bansa.

Facebook Comments