Bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 2,808

Umabot na sa 2,808 na healthcare workers ang nagkasakit ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 1,664 health workers na ang gumaling pero nadagdagan ng isa ang bilang ng namatay na umabot na sa 33.

Nasa 1,111 ang active cases o nasa ilalim ng treatment of quarantine, kung saan 973 ang mild cases, 137 ang asymptomatic, at isa ay severe ang condition.


Ang bilang ng COVID-19 infected health workers ay 12% ng kabuuang impeksyon sa buong bansa.

Facebook Comments