Bilang ng healthcare workers na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa higit 13,000

Umabot na sa 13,262 health workers ang nagkasakit bunga ng COVID-19.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 244 karagdagang health workers nitong nagdaang linggo.

Nasa 12,939 ang bilang ng mga health workers na gumaling habang nananatili sa 76 ang namatay.


Ang iba pang 247 medical workers ay sumasailalim sa treatment of quarantine.

Ang nurses ang may pinakamataas na COVID-19 cases na may 4,670 infections kasunod ang doctors (2,197), nursing assistants (992), medical technologists (657), at midwives (445).

Facebook Comments