Sumampa na sa mahigit 2,000 ang bilang ng healthcare workers na nag-positibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, umakyat na sa 2,067 ang bilang ng medical workers na tinamaan ng sakit.
Sa nasabing bilang, 1,389 rito ang aktibong kaso kung saan 356 ang asymptomatic, 1,026 ang mild at pito ang may severe condition.
Nasa 643 naman ang gumaling na health worker habang 35 na ang pumanaw dahil sa COVID-19.
Narito ang naitalang kaso sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o Doktor – 631
– Nurse – 759
– Nursing Assistant – 129
– Medical Technologist – 72
– Radiologic Technologist – 39
Facebook Comments