Bilang ng healthcare workers sa bansa na gumaling sa COVID-19, umabot na sa mahigit 16,000

55

Umaabot na sa 16,340 ang bilang ng mga healthcare worker sa bansa na gumaling sa COVID-19.

Ito ay mula sa kabuuang 17,023 healthcare workers na na-infect ng virus mula nang mag-umpisa ang pandemya.


Umaabot naman sa 88 ang bilang ng mga healthcare workers na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, 595 pa ang healthcare workers na patuloy na nagpapagaling

411 sa kanila ay mild, 149 ang asymptomatic, 16 ang severe, 8 ang kritikal, at 11 ang nasa moderate condition.

Facebook Comments