Bilang ng HIV cases sa bansa, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga kaso ng HIV sa bansa.

Sa datos ng DOH-Epidemiology Bureau, aabot sa 924 ang nadagdag na kaso noong Abril.

Sa nasabing bilang, 165 ang may ‘Clinical Manifestations of Advanced HIV Infection’ habang aabot sa 189 ang nasawi.


Samantala, 819 sa mga naitalang kaso ng sakit ay nakuha dahil sa pakikipagtalik; lima ang nahawa dahil sa infected syringe sa paggamit ng droga; tatlo ay pagkahawa ng sanggol mula sa kanyang ina.

Pinakamaraming kaso ng HIV ay naitala pa rin sa Metro Manila (271), Calabarzon (137), Central Luzon (92), Central Visayas (65) at Western Visayas (55).

Mula Enero hanggang Abril, pumalo na sa 4,274 bagong kaso ng HIV ang naitala ng DOH.

Facebook Comments